Binigyan ng rockstar treatment kamakailan si billiards icon Efren “Bata” Reyes nang dumalo siya sa 2024 World Pool Championship in Jeddah, Saudi Arabia.
Itinuturing na greatest pool player of all time, ang 69-year-old cue artist ay binansagan na “The Magician” ay inihatid sa loob ng Prince Abdullah Al-Faisal City Sports Hall sa nasabing nine-ball tournament.
Maraming posts mula sa Matchroom Pool ang ipinakita si Reyes na kasama ang maraming players na kalahok sa nasabing torneo, at hawal pa ang championship trophy.
Sinabi pa ng organizers na nagkaroon din ng meet-and-greet session para kaya Reyes at kanyang fans.
Ayon kay Matchroom Multi Sport CEO Emily Frazer na isang malaking karangalan na makasama si Efren Reyes sa World Pool Championship.
Si Reyes ang unang Filipino na nanalo sa nasabing nine-ball tournament noong 1999 kung saan tinalo niya si Chang Hao-ping ng Chinese Taipei sa score na 17-8 sa Cardiff Wales.