
Nagpatawag ng meeting kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Executive Secretary Ralph Recto matapos pumalo sa 7.2% ang inflation rate sa bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakatutok ngayon ang Pangulo sa tatlong pangunahing sektor, kabilang dito ang food, fuel, at electricity.
Kabilin-bilinan daw ni Pangulong Marcos na tiyaking hinding-hindi mauubusan ng supply ng fuel ang Pilipinas sa gitna ng umiiral na Middle East crisis, kamakailang mga kalamidad, at nararanasang El Niño.
Para naman maibsan ang epekto ng pagtaas ng bilihin, ipinapatupad ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na fuel subsidy para sa mga PUV driver, ang pagtanggal ng 12% VAT sa allowable system loss charge sa kuryente, at ang expansion ng mga Kadiwa outlet sa bansa.










