Kailangan pa ng karagdagang ebidensya para mapatibay ang mga alegasyon ni state witness Roberto Bernardo laban kina Executive Secretary Lucas Bersamin, dating Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin at Education Undersecretary Trygve Olaivar.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, itinuturing nilang credible si Bernardo at ginagamit ang kaniyang mga pahayag bilang lead sa imbestigasyon, ngunit kailangan itong suportahan ng iba pang ebidensya.

Patuloy na sinusuri ng Ombudsman ang mga dokumentong isinumite ng House of Representatives, Independent Commission for Infrastructure at Department of Public Works and Highways kaugnay ng umano’y malawakang sabwatan sa 2025 budget.

Nauna nang inakusahan ni Bernardo si Bersamin na humingi umano ng 15% commitment para sa Office of the Executive Secretary kaugnay ng P2.85 bilyong proyekto at inakusahan din niya si Olaivar na humingi umano ng listahan ng mga proyekto.

-- ADVERTISEMENT --