
Naghain ng courtesy resignation ang mga opisyal ng Presidential Communications Office (PCO), ngunit mananatili sa puwesto si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ayon sa bagong kalihim na si Lino Cayetano.
Tinawag ni Cayetano na “treasure” ng administrasyon si Castro at pinuri ang kaniyang kakayahang ipaliwanag sa publiko ang mga programa at polisiya ng pamahalaan.
Ayon kay Cayetano, hinahangaan niya ang pagiging palaban ni Castro sa pagtatanggol sa mga hakbang ng administrasyon laban sa mga kritisismo at kontrobersiya.
Sinabi rin ng kalihim na nais niyang mas maipabatid sa publiko ang mga programa at proyekto ng Pangulo, at hinimok ang media na masusing talakayin ang mahahalagang usapin, kabilang ang pangangalagang pangkalusugan.
Pinalitan ni Cayetano si dating PCO Secretary Dave Gomez, na hindi nakumpirma ng bicameral Commission on Appointments.










