
Plano ng Department of Agriculture (DA) na mas palakasin pa ang lokal na produksyon at solar irrigation projects sa bansa, bilang paghahanda sa paparating na Super El Niño.
Sinabi ni DA Assistant Secretary and Spokesperson Arnel De Mesa na malaki ang matitipid ng mga magsasaka sa solar irrigation projects, dahil hindi na nila kailangang gumastos sa fuel at mapapakinabangan din ito ng sustainable water sources.
Dagdag pa rito, pinag-aaralan din ng ahensya ang pag a-acquire ng mga fertilizer o pataba sa lupa; habang mas pagtuunan umano nila sa oras ng tagtuyot ang mga lugar na may patubig para masigurong hindi maantala ang produksyon sa bansa.
Suhestyon ni De Mesa, kailangan na umanong mag-invest ng bansa sa water impounding projects sa mga watershed area, hindi lang para mapigilan ang pagbaha, kundi para mapakinabangan ang mga naipong tubig-ulan sa patubig sa irigasyon, inumin, ag hydro electric power generation.










