Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na magbigay ng visa relief sa mga dayuhang na-stranded sa Pilipinas matapos kanselahin ang maraming international flights dahil sa patuloy na sigalot sa Middle East.

Papaayagan ang mga foreign nationals na manatili muna sa bansa hanggang April 1, 2026, kahit paso na ang kanilang visa noong February 28.

Hindi na sila sisingilin ng anumang bayad, multa, o penalties habang ipinatutupad ang naturang visa extension.

Paliwanag ni Justice Secretary Vida, layunin ng kautusan na matulungan ang mga banyagang hindi makaalis ng Pilipinas dahil sa malawakang kanselasyon ng outbound flights na dulot ng nagpapatuloy na tensyon at hostilities sa Middle East.

Dagdag pa ng kalihim, ang hakbang ay isang makataong tugon ng pamahalaan upang mabigyan ng pansamantalang solusyon ang mga naapektuhan ng krisis.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinapakita umano ng polisiya ang pakikiisa ng Pilipinas sa international community sa gitna ng kasalukuyang socio-economic at political upheavals na dulot ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan.