
Sinabi ng Malacañang na nasa magandang kalagayan si dating Pangulong Rodrigo Duterte at tila tinatanggap na nito ang pagpapatuloy ng kanyang kaso sa International Criminal Court o ICC.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakita nilang maayos ang kondisyon ni Duterte matapos ang kanyang personal na pagharap sa ICC sa The Hague, Netherlands noong Setyembre 16.
Ito ang unang pagkakataong personal na humarap si Duterte sa mga hukom ng ICC para sa status conference ng kanyang kaso. Sa una niyang pagharap noong Marso, isinagawa ito sa pamamagitan ng videoconference.
Nakaharap si Duterte sa kaso kaugnay ng alegasyon ng crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang war on drugs noong alkalde pa siya ng Davao City at bilang pangulo ng bansa.










