
Mariing itinanggi ng online media network founder na si Franco Mabanta ang umano’y pagkakasangkot niya sa kasong robbery with extortion kaugnay ng dating House Speaker na si Martin Romualdez.
Kasunod ito ng kaniyang pag-aresto, kung saan iginiit niya sa harap ng mga mamamahayag na hindi totoo ang mga paratang laban sa kaniya.
Giit ni Mabanta, wala siyang kaalaman sa mga usapin at social media posts tungkol sa kaso dahil wala rin umano siyang hawak na cellphone sa ngayon.
Tumanggi rin siyang magbigay ng karagdagang pahayag at ipinauubaya na lamang ang usapin sa kaniyang abogado.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang reklamo.
-- ADVERTISEMENT --










