Inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian na handa na siyang gampanan ang tungkulin bilang presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na nakatakdang magsimula sa Hulyo 6.

Ayon kay Gatchalian, patuloy ang kanyang paghahanda sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga legal expert, pag-aaral sa apat na articles of impeachment at mga ebidensyang inihain ng prosekusyon, gayundin ang pagrepaso sa naging impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona noong 2012.

Sinabi rin niyang nakatakdang ilabas sa Lunes, Hunyo 29, ang pre-trial order bago simulan ang pormal na paglilitis. Inaasahang tatagal ng pito hanggang walong buwan ang impeachment trial, bagama’t pinag-aaralan ng Senado ang mga hakbang upang mapabilis ang proseso nang hindi naaapektuhan ang iba pang tungkulin nitong pagtalakay sa mga panukalang batas at pambansang badyet.