Isang Grade 9 student ang nahulihan ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P200,000 sa loob ng isang paaralan sa Bacolod City nitong Martes.

Ayon sa pulisya, nagsagawa ng inspeksyon ang school security guard sa bag ng mag-aaral matapos makatanggap ng ulat na umano’y may dala itong matulis na bagay.

Sa isinagawang pagsusuri, nadiskubre pa ang hinihinalang iligal na droga sa loob ng kanyang bag.

Agad na isinailalim sa pangangalaga ng Bacolod City Social Development Center ang menor de edad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Mariin namang itinanggi ng ina ng estudyante na sangkot ang kanyang anak sa iligal na droga.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa pulisya, isa sa mga anggulong tinitingnan nila ay ang posibilidad na naging biktima ng isang prank ang mag-aaral.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung paano nakapasok sa loob ng paaralan ang hinihinalang shabu at kung sino ang posibleng may pananagutan sa insidente.