
Pabor si Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro sa pagbubukas ng pre-trial conference sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte sa media at sa publiko.
Maaalalang hindi binuksan sa media ang unang pre-trial sa kaso ni VP Sara at tanging ilang bahagi lamang ng session ang pinayagang i-cover ng media, tulad ng roll call sa mga dumalong abogado.
Gayunpaman, kailangan din aniyang maunawaan ng publiko ang pondo ng impeachment court kung bakit pinili nitong hindi buksan sa publiko ang mga nangyayari sa naturang proseso.
Ayon kay Luistro, mabusisi, paulit-ulit, at matrabaho ang pre-trial conference lalo na ang pagmarka sa mga ebidensya, kaya’t posibleng inaalala ito ng impeachment court.










