Kumpiyansa si businessman at dating Senate President Manny Villar na maipagtatanggol nila ng kaniyang pamilya ang kanilang panig sa graft complaints na inihain ng Office of the Ombudsman kaugnay ng PrimeWater.

Ayon kay Villar, wala pa silang natatanggap na kopya ng reklamo kaya hindi pa nila maaaring sagutin ang mga partikular na alegasyon laban sa kanila.

Sinabi niyang handa silang suriin ang mga alegasyon at ebidensiya at tugunan ang mga isyu sa tamang proseso at naaayon sa batas.

Iniugnay ng Ombudsman ang reklamo sa umano’y hindi magandang serbisyo ng PrimeWater at mga joint venture nito sa iba’t ibang water district mula 2015 hanggang 2022.