TUGUEGARAO CITY- Isinagawa kaninang umaga ang groundbreaking ng Amulung bridge.

Pinangunahan ng nina Congressman Jojo Lara, Governor Manuel Mamba at mga opisyal ng Amulung ang nasabing aktibidad.

Ang panukalang tulay ay tinatayang may haba na 901 linear meters na may dalawang carriageway at may sidewalk.

Kaugnay nito, sinabi ni Lara na ang nasabing proyekto ay magdudugtong sa bayan ng Amulung sa ibang munisipalidad ng Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Makakatulong din aniya ito sa mas mabilis na pagbiyahe sa mga agricultural products mula sa mga liblib na lugar papunta sa pangunahing economic hubs at maging sa mga kalapit na lalawigan at rehion.

Nabatid na ang halaga ng nasabing proyekto ay P1.2b at matatagpuan ito sa Barangay Angkiray, Abolo, Amulung, Cagayan at inaasahang matatapos sa 2023.