Pinag-iisipan ng gurong motorista na na-viral matapos maaresto sa isang traffic violation ang pagsasampa ng reklamo laban kay MMDA-Special Operations Group chief Gabriel Go dahil sa umano’y paglabag sa kanyang privacy.

Inamin ng motorista na nagkamali siya sa paglabag sa batas-trapiko at tinanggap ang pag-isyu ng tiket.

Gayunman, sinabi niyang nakiusap siyang huwag isama sa personal vlog ni Go ang video ng insidente ngunit itinuloy pa rin umano ang pag-upload nito sa social media.

Ayon sa Teachers’ Dignity Coalition, nakahanda silang magbigay ng legal na tulong sakaling ituloy ng guro ang pagsasampa ng kaso.

Samantala, kinumpirma ng MMDA na naglabas na ito ng show cause order laban kay Go upang magpaliwanag sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --