Inaasahan ang pagdagsa ng mga sasakyan sa kalsada ngayong long weekend kasabay ng paggunita sa Labor Day, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Dahil dito, pansamantalang suspendido ang ipinatutupad na expanded number coding scheme sa Mayo 1, 2026 upang bigyang-daan ang mas maluwag na biyahe ng mga motorista.

Gayunman, nagbabala ang MMDA na posibleng sumikip ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada dahil sa inaasahang pagdami ng bumiyahe palabas at papasok ng Metro Manila.

Pinapayuhan ang mga motorista na magplano ng ruta at umalis nang mas maaga upang maiwasan ang abala.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na pairalin ang disiplina at pag-iingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente sa kasagsagan ng biyahe.

-- ADVERTISEMENT --