Oil price hike na naman ang magiging paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtataya, matapos ang huling araw ng trading ay aabot mula P1.20 hanggang P1.40 ang posibleng itaas sa kada litro ng diesel.
Mayroon namang mula P0.50 hanggang P0.70 na posibleng umento sa kada litro ng gasolina; habang P0.70 hanggang P0.90 naman ang maaaring idagdag sa kada litro ng kerosene.
Araw ng Lunes ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment, at magiging epektibo ito sa araw ng Martes.