
Nilinaw ni Senate President Alan Peter Cayetano na hindi “pagtakas” ang pag-alis ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado kasunod ng insidente ng putukan noong Miyerkoles.
Ayon kay Cayetano, wala umanong lokal na arrest warrant laban sa senador kaya’t malaya itong umalis sa gusali.
Giit pa niya, hindi tama ang terminong “escape” dahil wala namang legal na basehan para ikulong o pigilan si dela Rosa sa loob ng Senado.
Nauna nang kinumpirma ng Malacañang na wala na sa premises ng Senado ang senador, habang patuloy ang pag-validate ng mga awtoridad sa buong pangyayari.










