
Opisyal nang hiniling ng House justice panel si Vice President Sara Duterte na sagutin ang mga alegasyon ng impeachable offenses laban sa kanya.
Ito ay matapos na isilbi ng House committee on justice ang notice na nag-aatas kay VP Duterte na sagutin ang dalawang beripikadong impeachment complaints na idineklarang sufficient in form and substance.
Inatasan ng komite ang bise presidente na magsumite ng kanyang sagot sa loob ng 10 calendar days sa sandaling matanggap niya ang notice.
Nilagdaan ang dokumento ni House committee on justice chairperson and Batangas Second District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.
Inaakusan si VP Duterte sa impeachment complaints ng betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution kaugnay sa kanyang hindi tamang paggamit ng P612.5 million na confidential funds, at banta na pagpatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya.










