![po[]p]t](https://img.bomboradyo.com/tuguegarao/2026/05/popt-696x392.webp)
Inihayag ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro, lead prosecutor ng House impeachment prosecution panel, na mayroon silang listahan ng nasa 25 testigo na maaaring iharap sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, kabilang sa mga testigong ihaharap ang ilang hostile witnesses, gayundin sina Ramil Madriaga na umano’y dating aide at bagman ni Duterte, at dating Senador Antonio Trillanes IV. Sinabi rin nitong karamihan sa mga testigo ay may kaugnayan sa isyu ng confidential funds, unexplained wealth, at umano’y pamamahagi ng mga sobre ng payola.
Dagdag pa ni Luistro, kasama rin sa listahan ang ilang bank officials bagamat hindi pa tukoy ang kanilang mga pangalan. Aniya, maaaring magbago pa ang listahan depende sa magiging takbo ng impeachment trial sa Senado.




