Nakahanda ang House prosecution panel na i-cross-examine si Vice President Sara Duterte sakaling magdesisyon itong tumestigo sa nagpapatuloy na impeachment trial sa Senado.

Ayon kay Manila Representative Joel Chua, inaasahan nilang maghahain pa ng karagdagang testigo ang defense team dahil dalawa pa lamang ang nakatakdang iharap nito sa apat na araw na paglilitis mula Disyembre 1 hanggang 4.

Posible umanong si Duterte mismo ang maging surprise witness, kaya mayroon nang nakatalagang abogado ang prosecution panel para sa cross-examination sa kanya.

Hindi rin isinasara ng mga prosecutor ang posibilidad na tumestigo ang asawa ng bise presidente na si Atty. Manases Carpio.

Patuloy na tinatalakay sa impeachment trial ang natitirang alegasyon ng unexplained wealth laban kay Duterte matapos bawiin ng prosecution ang tatlo pang articles of impeachment.

-- ADVERTISEMENT --