Nire-review ng House prosecution team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte hindi lamang ang posibilidad na i-drop ang Article III o bribery case, kundi pati ang listahan ng mga susunod na testigo.

Ayon kay lead prosecutor Representative Gerville Luistro, wala pang pinal na desisyon kung itutuloy o aalisin ang bribery article.

Sinabi niyang tinitingnan din nila kung sapat na ang mga naunang ebidensya upang maitaguyod ang mga alegasyon sa bawat impeachment article.

Bagama’t sinabi ni Luistro na malakas ang lahat ng apat na articles, isinasaalang-alang din ng prosecution ang haba ng paglilitis.

Aniya, maaaring mapabilis ang proceedings kung tatanggapin ng depensa ang ilang stipulations para mabawasan ang bilang ng mga testigong ihaharap.

-- ADVERTISEMENT --