
Hindi pinaboran ng Trial Chamber III ng International Criminal Court o ICC ang iminungkahing hearing setup ng Registry para sa paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ikatlong status conference ng kaso, sinabi ni Presiding Judge Joanna Korner na hindi nila nakikitang kailangan ang sistema ng magkakahiwalay na blocks ng pagdinig na may mga break at nakatakdang oras ng pag-upo sa korte.
Ayon kay Korner, nais ng Chamber na magpatuloy ang paglilitis nang mabilis hangga’t maaari. Nakatakdang magsimula ang trial sa Nobyembre 30 at magpatuloy hanggang bago ang Christmas break.
Nahaharap si Duterte sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng mga alegasyong pagpatay noong siya ay alkalde ng Davao City at Pangulo ng bansa.
Samantala, personal na dumalo si Duterte sa ikatlong status conference noong Miyerkules. Kasalukuyan siyang nakadetine sa ICC Detention Centre sa Scheveningen, The Hague, Netherlands.










