
Ibinasura ng International Criminal Court o ICC ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na iapela ang desisyon kaugnay ng confirmation of charges laban sa kanya kaugnay ng war on drugs.
Sa 12-pahinang desisyon, nagkaisa sina presiding Judge Iulia Antoanella Motoc, Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou, at Judge María del Socorro Flores Liera na tanggihan ang request for leave ng depensa ni Duterte.
Iginiit ng defense counsel na si Nicholas Kaufman na nagkamali umano ang pre-trial chamber sa paglawak ng sakop ng mga kaso at sa umano’y kakulangan ng malinaw na batayan ng ebidensya.
Pero ayon sa ICC, sapat ang naging batayan at maayos na naipaliwanag ng hukuman ang mga ebidensyang ginamit sa pag-apruba ng mga kaso laban kay Duterte.
Noong Abril 23, kinumpirma ng ICC ang mga kasong crimes against humanity laban sa dating pangulo kaugnay ng mga pagpatay sa panahon ng kanyang kampanya kontra droga bilang alkalde ng Davao City at bilang pangulo ng bansa.



