Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may mga pumping station na itinayo para tumulong sa pagbaha pero hindi naman nagagamit dahil walang sapat na budget para sa gasolina.

Partikular na tinukoy ng Pangulo ang Diokno Pumping Station sa Pasay City.

Ayon sa pangulo, hindi niya alam kung saan napunta ang pondong dapat sana’y nakalaan sa pagpapatakbo ng mga pasilidad.

Iginiit niyang kailangang maibalik at mapagana ang mga pumping station na matagal na nakatengga, kasabay ng pagtiyak na maayos ang operasyon ng mga flood control facility.

Bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan para tugunan ang problema sa baha sa iba’t ibang lugar sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --