Inakusahan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang House Committee on Appropriations na hindi nakikipagtulungan sa imbestigasyon kaugnay ng anomalya sa national budget at flood control projects na iniuugnay kay dating Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Ayon kay Remulla, hindi umano sinusunod ng committee secretariat ang subpoena ng Ombudsman para makuha ang records ng small committee proceedings sa 2024 at 2025 national budget.

Aniya, pinaghihinalaan nilang may mga “off-the-record insertions” o dagdag pondo na hindi dumaan sa plenaryo ngunit bigla na lamang naisama sa final budget.

Samantala, wala pang pahayag sina House Speaker Faustino Dy III at Romualdez kaugnay sa alegasyon.