Sinabi ng tagapagsalita ng impeachment court na si Atty. Regie Tongol na naglagay ng “firewall” ang desisyon ng Supreme Court sa independence ng Senate impeachment court sa paglilitis sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos ibasura ng Supreme Court ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa desisyon ng impeachment court na ibatay ang two-thirds voting requirement sa bilang ng mga senador na legal at aktuwal na maaaring lumahok sa paglilitis.

Ayon sa SC, ibinasura ang mga petisyon dahil sa procedural grounds, kabilang ang kawalan ng legal standing at pagiging premature ng mga kaso.

Giit ni Tongol, nananatiling epektibo ang September 23 ruling ng impeachment court at magpapatuloy ang tribunal sa tungkulin nitong dinggin at resolbahin ang impeachment case.

Samantala, iginiit ng mga petitioner na dapat isama sa bilang ang lahat ng incumbent senators, kabilang ang mga hindi makadalo dahil sa pagkakaditine, pagkawala o medical incapacity.

-- ADVERTISEMENT --