Muling sumailalim sa lie detector test si dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr. sa National Bureau of Investigation o NBI nitong Miyerkules, Setyembre 30.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, boluntaryong nagpa-test si Gracioso at tumagal ito nang tatlong oras.

Ito na ang ikalawang polygraph test ni Gracioso sa NBI, habang patuloy na iniimbestigahan ng ahensya ang kanyang mga alegasyon na naghatid siya ng mga bag ng pera kay Vice President Sara Duterte noong nagsisilbi siyang security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Sinabi rin ni Matibag na sa unang polygraph test, tinaya niyang nasa 99 porsyento ang truthfulness ng mga pahayag ni Gracioso.

Gayunman, ayon sa Supreme Court, hindi conclusive ang resulta ng lie detector test at hindi ito maaaring gamitin bilang ebidensiya upang patunayan ang guilt o innocence ng isang akusado dahil hindi pa ito kinikilalang scientifically reliable.

-- ADVERTISEMENT --