
Inaasahan ng Senate impeachment court na matalakay bago mag-Agosto ang reklamo sa umano’y maling paggamit ni Vice President Sara Duterte ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Ayon kay impeachment court spokesperson Atty. Reginald Tongol, posibleng matapos na bago mag-Agosto ang pagtalakay sa Article IV matapos bawiin ng prosekusyon ang anim pang testigo.
Sa ilalim ng Article I, inaakusahan si Duterte ng betrayal of public trust, graft at corruption dahil sa umano’y iregular na paggamit at liquidation ng P500 milyon na confidential funds ng OVP at P112.5 milyon ng DepEd.
Samantala, nagkaroon din ng pagtatalo ang prosekusyon at depensa kung dapat bang ipaliwanag nang detalyado ang dahilan ng pag-withdraw ng mga testigo.










