
Tuloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte ayon kay House Speaker Faustino Dy III matapos hindi maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema.
Sa kabila nito, inatasan ng Korte Suprema ang House justice committee na magbigay ng tugon sa mga petisyong inihain ni Duterte at ilang abogado laban sa proseso.
Dahil walang legal na hadlang, sinabi ni Dy na ipagpapatuloy ng Kamara ang kanilang mandato sa ilalim ng Konstitusyon, kabilang ang pagdinig na nakatakda sa Abril 14.
Samantala, iginiit ng Bise Presidente sa kaniyang petisyon na labag sa Konstitusyon ang ginagawang proseso ng House justice committee at wala itong kapangyarihang magsagawa ng paglilitis. Aniya, ang tungkulin ng paglilitis sa impeachment ay nakalaan lamang sa Senado.
Binanggit din ni VP Sara Duterte na kulang umano sa sapat na batayan ang mga reklamong impeachment na isinampa laban sa kaniya. hsteg e
Tiniyak naman ni Dy na isasagawa ang proseso nang patas, maayos, at nakabatay sa ebidensiya, kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang lahat ng panig na marinig.










