Pormal nang tinapos ng Iglesia ni Cristo o INC ang kanilang tatlong araw na kilos-protesta ngayong Huwebes, matapos ang huling programa sa Liwasang Bonifacio sa Maynila

Sa video message, nagpasalamat ang INC spokesperson na si Edwil Zabala sa mga dumalo, sa mga nagpahayag ng suporta, at sa mga pulis na nagbigay ng seguridad.

Aniya, naniniwala silang naiparating nila ang kanilang mensahe at umaasang mananaig ang katarungan sa bansa.

Matatandaang isinagawa ang unang dalawang araw ng rally sa People Power Monument sa Quezon City bago ito inilipat sa Liwasang Bonifacio matapos bawiin ang permit ng lokal na pamahalaan.

Ayon naman sa Manila Police District, umabot sa humigit-kumulang 82,000 ang pinakamataas na bilang ng mga dumalo sa huling araw ng protesta, na naging mapayapa sa kabuuan.

-- ADVERTISEMENT --