
Hindi na umano lalahok si detained Sen. Rodante Marcoleta sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung magpapatuloy umano ang paglilitis sa paraang labag sa Konstitusyon.
Ayon kay Marcoleta, dapat ang Senate President ang mamuno sa impeachment trial, maliban kung ang Pangulo ang nililitis.
Iginiit din niya na hindi maaaring gamitin ng Senado ang internal rules nito para baguhin ang voting threshold na itinakda ng Konstitusyon.
Nakatakdang pagdesisyunan ng mga senator-judge bukas kung pananatilihin o babaguhin ang 16-vote threshold para sa conviction sa impeachment trial.










