Nahuli ng mga awtoridad ang isang Indian National na pangunahing suspek sa pagbaril – patay sa kanyang kababayan nitong Linggo ng umaga, habang tinutugis ang isa pang Indin national at kasabwat umano sa krimen sa ikinasang hot pursuit operation sa Barangay Palanginan, Iba, Zambales.

Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ng pulisya ang nahuling suspek na si alyas “Kumar”, 33 anyos na pansamantalang naninirahan sa naturang lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang labi ng biktimang si Alyas “Manpreet” na nakatumba ang motorsiklo na nakahandusay sa gilid ng isang creek sa nasabing Lugar.

Bago ang pamamaril sa biktima, may impormante ang nagsabi na nagpapahanap umano ang suspek ng baril at gun for hire.

Kilala na raw sa lugar ang biktima na maraming kliyente sa kaniyang negosyong five-six.

-- ADVERTISEMENT --

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang kapatid ng suspek at isa pa na kasama na kasabwat sa krimen.

Inggitan o awayan sa negosyo ang tinitingnan motibo sa krimen.