
Inakusahan ng Iran ang Estados Unidos ng paglabag sa ceasefire matapos magsagawa ang US ng panibagong airstrikes sa southern Iran.
Ayon sa Iran, malaking paglabag umano ito sa kasunduang pansamantalang nagpapahupa sa sigalot sa loob ng halos pitong linggo.
Sinabi naman ng US na depensibong hakbang lamang ang strikes laban sa mga target na umano’y naglalatag ng mina at missile launch sites.
Dahil sa panibagong tensyon, tumaas ng halos 3.5 porsyento ang presyo ng Brent crude oil at lumagpas sa 99 dollars kada bariles.
Patuloy namang nag-uusap ang Iran at US para sa posibleng kasunduan na magbubukas muli sa Strait of Hormuz at magpapahinto sa digmaan.
-- ADVERTISEMENT --




