
Inihayag ng Islamic Revolutionary Guard Corps na may ilang tinawag nitong enemy flying objects na pinabagsak sa isang operasyon kaugnay ng US rescue mission sa Iran.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga nawasak ang isang C-130 military transport plane at dalawang Black Hawk helicopters matapos ang operasyon sa Isfahan.
Kinumpirma rin ng Iranian Armed Forces na may pinabagsak din silang Israeli drone sa parehong lalawigan.
Nagaganap ang insidente sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran, Estados Unidos, at Israel.










