Iginiit ng isang opisyal ng Iran na walang mahalagang imprastraktura o serbisyong naapektuhan sa isinagawang pag-atake ng Estados Unidos sa Qeshm Island malapit sa Strait of Hormuz nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa opisyal, malayo sa mga residential at commercial area ang mga lugar na pinuntirya ng pag-atake.

Nauna nang iniulat ng state media ng Iran ang mga pagsabog sa nasabing isla, na matatagpuan malapit sa mahalagang daluyan ng kalakalan ng langis na Strait of Hormuz.