Nasawi ang isang 30 anyos na kasama sa 43 indibidwal na nasugatan matapos mahulog sa bangin at bumaliktad ang kanilang sinakyang jeep sa sa Barangay Roma Norte, Enrile, Cagayan.
Kinilala ni Enrile Mayor Miguel Decena Jr. ang biktima na si Rogin Tapiru at residente ng Barangay 2, Enrile na nagtamo ng sugat mula sa kanyang paa hanggang tiyan na maaring naging dahilan upang binawian ito ng buhay.
Sa ngayon ay nasa 12 pa ang patuloy na ginagamot sa Cagayan Valley Medical Center na kinabibilanagan ng isang buntis kung saan karamihan sa kanila ay nagkaroon ng sugat sa ulo, bali sa katawan at pagdurugo ng ilong.
Base sa imbestigasyon ay hindi naman nakainom ng alak ang driver ng sasakyan at mechanical defect ang nakikitang sanhi ng nasabing insidente.
Matatandaan na pauwi na sana ang mga biktima sa Brgy Maddarulug Sur galing sa kasalan sa Ilagan City Isabela nang mangyari ang insidente