TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na ng PNP ang panloloob sa isang bahay sa Villas Subdivision sa Caggay, Tuguegarao City kaninang madaling araw.

Ayon sa PNP, sinira umano ng mga kawatan ang bintana sa harapan ng bahay ni Laila Reyes, 49, isang physician at pinasok ng mga ito ang dalawang silid at sa 2nd floor ng bahay.

Tinangay umano ng mga magnanakaw ang mga alahas ng kanyang mga anak na nagkakahalaga ng nasa P50,000.

Sinabi ng PNP na may bantay naman na dalawang security guard ang nasabing subdivision subalit sa imbestigasyon ay hindi umano sila nagsagawa ng pag-iikot ang mga ito mula 12:00 am hanggang 7:00 am.

-- ADVERTISEMENT --

Nadiskubre lang ang nasabing pagnanakaw kaninang 7:00 am.