
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nananatiling pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas noong 2025 ang ischemic heart disease.
Batay sa provisional report ng PSA, umabot sa 111,896 ang naitalang kaso o katumbas ng 19.7% ng kabuuang sanhi ng kamatayan sa bansa.
Ang ischemic heart disease ay kondisyon kung saan nagkakaroon ng kakulangan sa daloy ng dugo at oxygen papunta sa puso dahil sa pagbara ng mga ugat.
Ayon sa National Institutes of Health (NIH) ng United States, karaniwang sanhi nito ang pag-ipon ng fatty plaques sa coronary arteries na humaharang sa maayos na sirkulasyon ng dugo.










