Bahagyang tumaas sa 4.9% unemployment rate, o katumbas ng 2.59 million katao, ang naitalang walang trabaho o negosyo sa bansa noong June 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Huwebes, August 6.

Mas mataas ito kumpara sa 4.8% unemployment rate, o katumbas ng 2.50 million katao, na walang trabaho noong May 2026, at 3.7% unemployment rate, o 1.95 million katao, na walang trabaho o negosyo noong June 2025.

Ayon sa PSA, ang services sector ang may pinakamalaking bahagi ng labor force na may 62.7% ng total employment, na sinundan ng agriculture sector na may 20%, at industry sector na may 17.3%

Samantala, nakalap ang nasabing datos sa loob ng 18 araw, mula June 8 hanggang June 27 ng kasalukuyang taon.

-- ADVERTISEMENT --