Inaalam ng National Bureau of Investigation (NBI) kung may iba pang opisyal ng gobyerno ang posibleng nabiktima o tinarget ng grupong nasa likod ng umano’y honeytrap at sex scandal plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, magpapadala ang ahensya ng subpoena kina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at dating kongresista Jing Paras, na idinadawit sa isyu.

Nilinaw naman ng NBI na hindi pa nito itinuturing na totoo ang mga paratang laban sa dalawa dahil kailangan pa ring dumaan sa due process at imbestigasyon.

Sinabi rin ni Matibag na kung mapatunayang gawa-gawa lamang ang mga alegasyon ng isang talent manager at apat na talent na sangkot sa reklamo, tutulungan ng ahensya sina Leviste at Paras na managot ang mga responsable.