Hinimok ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at dating kongresista Jing Paras na humarap sa NBI sa Huwebes bilang tugon sa ipinadalang subpoena kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y tangkang “honey trap” laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon kay Matibag, kung walang pananagutan ang dalawa, dapat silang makipagtulungan sa imbestigasyon at personal na magbigay ng kanilang sinumpaang salaysay.

Sinabi rin ng NBI na lumilitaw sa paunang imbestigasyon na posibleng may kaugnayan sa pulitika sa Batangas ang umano’y tangkang paninira kay Recto.