Inihayag ni Senator Risa Hontiveros na nagsilbing “playground” ang Jomalig Island ng mga bosses ng Philippine Offshore Gaming Operators (Pogo) mula sa Bamban, Tarlac, dahil sa umano ay “family ties” ng pamahalaan kay Alice Guo o si Guo Hua Ping.

Sa pagdinig ng Senate panel sa illegal Pogo operations, isiniwalat din ni Hontiveros na nagtago si Guo ang Jomalig Island bago siya tumakas palabas ng bansa.

Sinabi ni Hontiveros na ang co-accused ni Guo na si Yang Bin ay may family link sa mismong nakaupong pamunuan ng Jomalig.

Matatandaan na tumakas si Guo sa bansa noong July 18 sa kabila ng warrant of arrest na inilabas ng senado matapos na i-cite in contempt siya dahil sa kabiguan na dumalo sa mga pagdinig kaugnay sa pagkakasangkot umano niya sa Pogos.

Gayonman, siya ay naaresto sa Jakarta noong August 4 at ibinalik siya sa bansa noong September 6.

-- ADVERTISEMENT --