
Inihayag ni Senador JV Ejercito nitong Lunes na inalok siya ni Senate President Alan Cayetano na maging Senate Majority Leader, ngunit tinanggihan niya ito upang manatiling independent sa Senado.
Ayon kay Ejercito, nagpapasalamat siya sa tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kanya ni Cayetano, ngunit mas nais muna niyang manatiling independent sa kasalukuyan.
Ginawa ni Ejercito ang pahayag sa plenary session bago ang pagko-convene ng Senado bilang impeachment court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Samantala, nagpahayag din si Senador Juan Miguel Zubiri ng intensyong sumama sa minority bloc na pinamumunuan ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.
Sa kasalukuyan, binubuo ang Senado ng 13 miyembro sa majority bloc, 10 sa minority bloc, habang si Ejercito naman ay nananatiling independent.







