Umabot na sa 11 ang bilang ng minorya sa Senado na kaalyado ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III matapos lumipat sa kanilang hanay sina Sen. JV Ejercito at Sen. Juan Miguel Zubiri.

Sa sesyon nitong Lunes, inihayag nina Ejercito at Zubiri ang kanilang pagnanais na sumama sa minority bloc sa halip na manatili sa majority matapos ang botohan sa bagong Senate President na nagluklok kay Sen. Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Ejercito, pinasalamatan niya ang tiwala sa kanya ni Cayetano matapos siyang alukin na maging Senate Majority Leader kasunod ng kanyang desisyon na manatiling independent sa botohan.

Gayunman, tinanggihan niya ang alok at pinili ang manatiling independent sa kasalukuyan.

Bago ito, nabuo ang bagong liderato sa Senado matapos mahalal si Cayetano bilang Senate President, kapalit ni dating Senate President Vicente Sotto III.

-- ADVERTISEMENT --