Hindi isinasantabi ni Sen. Erwin Tulfo ang posibilidad na ginamit bilang smokescreen o diversionary tactic ang naganap na kaguluhan sa Senado.

Ayon sa senador, posibleng nagamit o ginamit ang kaguluhan para ibaling ang atensyon ng publiko at tuluyang makalabas si Sen. Ronald dela Rosa mula sa Senate premises.

Maalalang nananatiling kontrobersyal ang naganap na putukan sa Senado matapos igiit ni Sen. Pres. Allan Peter Cayeteno na inatake ang mataas na kapulungan.

Taliwas naman ito sa lumabas na imbestigasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police kung saan kanilang iniulat na walang nangyaring pag-atake sa Senado.UP Diliman

Ayon kay Sen. Tulfo, posibleng isang distraction ang naganap na kaguluhan dahil batid naman ng marami kung gaano ka-higpit ang seguridad sa Senado.

-- ADVERTISEMENT --

Posible aniyang pinalayo lamang muna ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Senate premises para lumuwag ang seguridad, lalo na yaong mga nagbabantay sa paligid ng mataas na kapulungan, hanggang sa tuluyang makalabas si Sen. Dela Rosa.