Umabot na sa dalawang milyong lagda ang nakalap para sa kampanyang “12 Milyong Lagda para sa Matatanda” na layong palakasin ang proteksyon at suporta para sa mga senior citizen sa bansa.

Ang mga nakalap na lagda ay pormal na isinuko kay House Speaker Faustino Bodjie Dy III ng mga senior citizen mula sa iba’t ibang rehiyon.

Pinangunahan ang aktibidad ni United Senior Citizens Party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay, na siya ring chairperson ng House Committee on Senior Citizens.

Ayon kay Dy, ang lumalawak na suporta sa kampanya ay patunay na marami ang naniniwalang panahon na upang higit pang palakasin ang programa para sa mga lolo at lola.

Nangako rin ang liderato ng Kamara na tututukan ang mga panukalang naglalayong palawakin ang benepisyo ng mga senior citizen, kabilang ang panukalang universal social pension na magbibigay ng ₱1,000 buwanang pensyon sa lahat ng matatanda sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --