TUGUEGARAO CITY- Umapela si Cesario Pasicolan, punong barangay ng Cattagaman Viejo, Tuguegarao City sa kanyang mga kabarangay na huwag maging pasaway.
Ito ay kasunod ng pag-lockdown sa kanilang barangay dahil sa local transmission ng covid-19 sa kanilang lugar.
Binigyan diin ni Pasicolan na sila rin ang mahihirapan kung magtatagal pa ang lockdown sa kanilang barangay.
Kaugnay nito, sinabi ni Pasicolan na hiniling na nila kay Mayor Jefferson Soriano na maglagay ng hanggang tatlong palengke sa loob ng kanilang barangay upang may mabilhan ang kanyang mga kababayan at hindi na kailangang lumabas pa.