
Maglalabas ng subpoena ang Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng muling pagbubukas ng imbestigasyon sa mahigit 100 reklamo ng umano’y extrajudicial killings sa Davao Region
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, ipapatawag ang senador upang personal na humarap sa CIDG bilang bahagi ng imbestigasyon sa mga insidente noong siya pa ang hepe ng Davao City Police Office at regional police chief
Nilinaw ng opisyal na hindi ito arrest warrant mula sa International Criminal Court at wala ring planong pag-aresto kay dela Rosa
Giit ni Remulla, subpoena lamang ito para sa imbestigasyon at hindi warrant of arrest
Ayon sa CIDG, layunin nitong direktang makuha ang panig ng senador na nagsilbi ring hepe ng Philippine National Police sa kasagsagan ng war on drugs campaign ng nakaraang administrasyon
Samantala, inilagay na rin sa alert status ang mga paliparan, pantalan, at iba pang exit points sa bansa upang bantayan ang galaw ng senador habang isinasagawa ang imbestigasyon









