
Umakyat na sa 6,253 ang kaso ng leptospirosis sa buong bansa ngayong taon.
Bagama’t mas mababa ito ng 12% kumpara sa 7,084 kaso noong kaparehong panahon noong 2025, nakapagtala ng biglang pagtaas ng mga kaso nitong Agosto 2 hanggang 15.
Ayon sa Department of Health (DOH), mahigpit na minomonitor ang pitong rehiyon dahil sa pagtaas ng kaso kumpara noong nakaraang taon.
Kabilang dito ang Soccsksargen, Central Visayas, Western Visayas, Cordillera, Negros Island Region, Bicol at Cagayan Valley.
Mas pinaigting naman ang monitoring sa Metro Manila, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Northern Mindanao at Davao Region.
-- ADVERTISEMENT --









