Isinilbi na sa kontratistang si Curlee Discaya ang arrest warant para sa kasong may kinalaman sa anomalya ng flood control sa Bulacan.

Ngayong araw, sinundo ng mga tauhan ng PNP-CIDG si Discaya sa Senado kung saan kasalukuyan itong nakakulong matapos ma-contempt sa pagdinig ng noong nakaraang taon.

Ang arrest order ay inisyu ng Bulacan Regional Trial Court Branch 20 para sa non-bailable na malversation of public funds case.

Samantala, naniniwala naman ang abogado ni Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego na plinaplano nilang maghain ng petisyon para payagan pa ring makapagpiyansa ang kaniyang kliyente.

Aniya, malinaw umanong hindi malakas ang kaso laban kay Curlee.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman daw ito magpapa-hospital arrest sa kabila ng kaniyang iniindang shoulder injury.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Interior Sec. Jonvic Remulla na siyam sa 11 mga akusado sa Bulacan case ay nasa kustodiya na ng mga otoridad.

Nagpapatuloy naman aniya ang manhunt operations para matunton pa ang iba pang kapwa-akusado nina Discaya.